Thursday, July 2, 2009

NUTRITION MONTH SA ‘GAPO

Ilulunsad na ng City Health Office (CHO) sa pamamagitan ng City Nutrition Office sa ika-06 ng Hulyo, sa Rizal Triangle Multi Purpose Center ang mga programa ng lungsod para sa buwan ng Hulyo bilang paggunita ng Nutrition Month. Ang tema para sa taong ito ay “Wastong Nutrisyon, Lifestyle Diseases Iwasan.”

Gaganapin naman sa ika-20 hanggang ika-24 ang Food Fair sa Ground Floor Lobby ng City hall at isang araw na “Blood Sugar at Cholesterol Testing”. Samantala, isang “Aerobic Dancing Contest na tinawag na Hataw Exercise” naman ang isasagawa sa Hulyo 30.

Ipa-facilitate ng City Social Welfare Development Office (CSWDO) ang Cooking Contest at ang pagsasagawa ng ‘Search for Healthy Kids’ na gaganapin sa ika- 30 at 31 ng Hulyo, samantalang nakatoka naman sa Department of Education (Dep-Ed) ang Poster Making Contest, Jingle Contest at ang ‘Search for Mr. and Ms. Nutrition.

Kaagapay ng City Health Office ang mga bumubuo ng City Nutrition Council na pinamumunuan ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. at mga piling departamento ng City Hall sa pagsasakatuparan ng mga activities sa selebrasyon ng Nutrition Month.

Sa City Health Office (CHO) nakaatang ang responsabilidad sa information dissemination ng ‘Promotion of Nutritional Guidelines for Filipinos’.

Para sa iba pang impormasyon sa Nutrition Month Celebration makipag-ugnayan lamang sa Nutrition Health Office at hanapin si Richel Eve Torralba, City Nutrition Officer o tumawag sa telepono 224-1628.

No comments:

Post a Comment